Thursday, July 7, 2011

Thursday, July 7 2011

11:14 PM: Ngayon ang kaarawan ko. Hindi ko alam kung dapat ba ko matuwa dahil nga Kaarawan ko o kung dapat ba ako malungkot dahil ako ay nasa ganap na edad na para malampasan ang pagiging binata. Dalawamput taon na akong humihinga ng maruruming hangin, kumakain ng pagkaing siksik sa preservatives, at tumitira sa isang planeta na kung saan mas lamang ang dami ng mga sakim na tao. Isang bagay lang ang ikinatutuwa ko ; dahil ako ay tumatanda, nangangahulugan lamang ito na hindi ako namatay ng bata. Maganda parin tumanda dahil maganda na maranasan mo ang sarap ng buhay. Kapag hindi nag-babago o tumatanda, hindi buhay yun. Parang fishball. Hindi nagbabago at hindi nag-mamahal. Nandito ako ngayon sa kwarto at umiinom ng Tanduay Ice. Hindi muna ako mag-hahanda ng marangya. Gusto ko muna mag-isa at mapagbulay-bulay ko ang mga nangyari sakin nitong nakaraang 20 taon.
     Kanina habang ako ay papauwi (parati na lamang ako mayroong kwento kapag bumabyahe.), nakatabi ko ang isang kolehiyalang binibini na naglalaro sa cellphone niya ng isang "puzzle" game. Mejo walang saysay ang naging araw ko sa klase kaya't naghanap ako ng mapapagtuunan ng pansin. Nakita ko siya na hindi niya matapos ang level na nilalaru niya. Hindi ko alam kung maawa ako o matatawa ako dahil asar na asar na siya at hindi siya makalagpas. Kung maganda ba yung babae eh hindi ko na tinignan dahil hindi naman ako interisadong magpakilala at natuwa lang ako sa kabiguan niya na gusto niya na sanang i reverse layup yung phone niya sa bintana nung jeep. Pag-katapos noong hindi niya na talaga kaya, tinago niya na yung phone niya at sinubukan niyang matulog. Puyat ata siya kagabi at mukhang may hang-over pa kaya lahat ata ng posisyon ng pagtulog e ginawa na iya ngunit hindi siya nakatulog. Hindi naman sa pinagtatawanan ko siya ngunit, natutuwa lamang ako dahil bakas sa kanya ang emosyong nararamdaman niya. Ako naman eh hindi nakakatulog sa biyahe. Ginawa ko na rin ang lahat: nakasandal, nakayuko, nakadapa, nakatihaya, at nakahiga pero hindi talaga ako sinasapian ng tulog kapag nasa biyahe kahit puyat. Siguro magandang gawain na rin ito para maiwasan ang matinding aksidente kung sakali mang magkprobelma. Malapit na mag alas dose at matatapos na ang aking kaarawan ngunit hindi na uurong ang edad ko.

Nasaan na ba ako?
Ang bilis ng internet namin.. magdodownload lang ako ah.. Nagpapaka lunod ako sa T-Ice.. hehe.

No comments:

Post a Comment