Saturday, July 16, 2011

Saturday, July 16 2011

9:16 PM: Ang saya ng buhay ko kapag sabado ng gabi dahil ito lang ang araw sa isang linggo upang ako ay magpahinga at para gawin ko na rin ang kahit anong gusto ko pero hindi literal sapagkat hindi naman ako genie. Nilamon nanaman ng Law subject ko ang aking kalooban dahil para nanaman akong nasa purgatoryo kanina.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay umulan dito sa amin. Hindi ko alam kung umulan din sa ibang lugar basta ako ay nabigla dahil walang senyales na uulan kanina pag-uwi ko. Mas maganda kung umulan para lumamig naman ang singaw at para masarap ang tulog ko mamaya. Hindi ako nasanay na matulog sa tanghali noong bata ako dahil gusto ko ay parating may ginagawa makabuluhan man o hindi kaya't kapag ako ay natulog sa gabi, kulang ang bosina ng trak para magising ako. Hanggang ngayon ay hindi ako natutulog sa tanghali maliban na lang kapag ako ay may sakit, kulang sa tulog, inlove para mapanaginipan ko yung...., at kapag wala na talagang gagawin. Hindi ko talaga hilig ang matulog at natutulog lang talaga ako kapag kailangan lang pero mas gusto kong magbasa ng mga artikulo, maglaro ng video games, makipagkwentuham, manood ng pelikula, at tumulala. Naasar pa ko sa mga sabi sabi noon na "Matulog ka para lumaki ka", kung totoo man ang nasabing paniniwala ay sana 3'3 lang ang height ko ngayon. Katamtaman lang naman ang tangkad ko; Hindi matangkad at hindi rin pandak. Siguro kung palagi akong mananaginip kada matutulog ako, siguro pwede ko itong gawing hobby.

Nasaan na ba ako?
Panonoorin ko ang pelikula ni Jackie Chan na Dragon's Forever maya maya lang. Hinihintay ko lang matapos ang tatay ko sa pinapanood niya.

No comments:

Post a Comment