Sunday, July 3, 2011

Sunday, July 3, 2011

9:28 pm: Hindi ako nakapag tala kahapon dahil nagkasiyahan kame kagabe ng mahal kong mga kaibigan. Kahapon ang katangi tanging asignatura namin na Law on Negotiable Instruments na pinapasukan namin isang beses sa isang linggo at tatlong oras pa. Mapapansin mo na hindi pumapabor samin ang kasiyahan tuwing sabado. Kung nabasa mo ang post ko kung saan nilarawan ko ang aking mga guro, ang guro namin sa Law02 ay maihahalintulad kina Lara Croft, Sarah ng Chuck, Nina Wiliams ng Tekken, at ang tatlong Charlie's Angels. Femme Fatale kung tawagin siya sa Ingles. Ngunit kahapon, hindi naman niya inilabas ang buong kapangyarihan niya. Handa na sana ako na makipagespadahan sa babaeng bumubuga ng apoy pagpasok ko ng silid. Yung tatlong oras na iyon ay bigla kong naranasan kung ano ang pakiramdam ng nasa purgatoryo. Ang tagal kumilos ng oras at parang mamatay na ko dahil sa dami ng batas na itinutoro. Tatlong seksyon palang ng batas eh parang may brain cancer na ko. Hindi ko naman ginusto maging abogado. Bagamat mahilig ako sa debate at malalaim na diskusyon, isa sa pinaka ayaw kong larangan ay ang pagiging abogado. Bukod sa hindi ko kayang magkabisa ng mga batas, nakasalalay sa kliente mo kung masama o mabuti ang gagawin mo. Kung manlilinlang ang magbabayad sayo, wala kang magagawa. Ayaw ko kasing nadidiktahan ako sa gagawin ko lalo pa yung babayaran ako para magsinungaling at mang daya. At isa pa, ayaw ko talaga yung pagkakbisado kasi hindi ako kabisote. Mas gusto ko ang aspekto ng lohika at matematika.

   Buti na lang at hindi ako nagkahangover kanina pero buong araw ay parang nanghihina ang buong katawan ko. Para bang naglalaro parin ang mga alak na ininom ko kagabi sa buong katawan ko pero hindi naman ako sobrang lasing kagabi dahil nakauwi naman ako ng maayos. Pinanood ko ang Pelikulang "Office Space" kanina na ipinalabas noong 90's. Kahit si Jennifer Aniston lang ang kilala kong artista, maganda ang nasabing pelikula kung ihahalintuald ko sila sa mga pelikula ngayon. Wala na yung sangkap ng mga pelikula dati sa mga pelikula ngayon kaya masaya ako na ipinaganak ako ng 90's dahil masasbi ko na ito ang pinakamasaya at pinakamagandang dekada. Naawa na nga ako sa mga batang ipinapanganak ngayon dahil hindi nila naransan ang mga naranasan ko. Namulat na lang sila sa IPhone, DSL, Facebook, CG movie effects, Playstation Vita, at Ebooks. Mas masaya noon na maabutan mo ang mga analog na cellphones, yung pwede maging deadly weapon tapos kapag pumasok ka sa grocery store, pakikiusapan ka nila na iwan mo yun sa "baggage counter" sa sobrang laki, yung mga Dial-Up na internet na matatapos ang loading kapag nabasa mo na ang 1-100 pages ng Deathly Hollows, ang Friendster, ang Stop-motion movies, Family Computer at mga makatotohanang libro.
    Hindi nga ako nasasabik sa bagong "Transformers" movie dahil nung una pa lang, nadismaya na ako na kulang ang tropa nila. Mas gusto ko pa yung lumang cartoons dahil para silang Super Friends sa sobrang dami. Nasaan si WheelJack? Si Spike? Si Soundwave pati yung aso at agila niya? Nasaan na yung kahambugan ni StarScream na kung saan lagi niyang tinatraydor si Megatron? Si HotRod? At bakit isang piraso lang ang Energon Cube?? Nanonood na lang ako nito dahil sikat ito kumbaga nakiki-"in" ako pero sa mata ng iba "out" pa rin. Ano ba ang kahulugan mo ng "in"? Yung uso at sikat?? Kung pagiging tanga ang in at kung mapipilitan lang ako gustuhin yung ayaw ko talaga, e magpapaka "out" na lang ako! Okay na maging baduy kaysa tanga! Okay na maging Laos kaysa naman maging karaniwan. Kung pagiging bago lamang ang pinagbabasehan ng mga bagay-bagay, pagtiyatiyagaan ko na yung mga luma pero matibay kaysa sa mga bago  na ilang buwan lang e laos na!


Nasaan na ba ako?
Nakikinig ng "Damn it feels good to be a gangsta" ng Geto Boys. Masarap pakinggan ang rap nila kaysa sa mga rap ngayon. Pakinggan niyo rin. 1992 pa yan. Malakas talaga ang 90s. Kung may time machine ako, babalik ako sa mga panahong yun.

No comments:

Post a Comment