Friday, July 8, 2011

Friday, July 8 2011

11:21 PM: Ako ay nasa impluwensiya ng alak kaya wag na lang kayo magugulat kung sakali man sa mga ilalagay ko ( pero hindi ako lasing). Kinailangan namin magsuot ng pormal o "corporate attire" kanina kaya ako ay namroblema kanina sapagkat ayaw ko talaga tumahak sa biyahe ng ganon. Ang init kasi. Naiirita lang naman ako. Buti na lang ay hindi maaraw kanina at malamig ang singaw kaya't nagmistulang aircon ang hangin na humahampas sa aking tainga mula sa bintana ng jeep. Hindi lang naging maganda ang pagpasok ko sa kanina, kung ano man ang nangyari ay hindi ko na lang sasabihin at baka mabalitaan niyo na lang na may sunog sa Mendiola. Maulan nanaman at nagdulot ito ng onting pagbaha sa loob ng paaralan namin. Paiikliin ko muna ang aking tala dahil pansin kong hindi na tuwid ang aking pag-iisip. Humihina na ang aking pandinig at inaantok na rin ako.

Nasaan na ba ako?
Law nanaman bukas! tatlong oras nanaman ng pagkabagot. Makikipaglaban nanaman ako bukas kay Nina Williams na bumubuga ng apoy. Kung pwede lang ang GameShark.

No comments:

Post a Comment