11:42 PM: Dalawang gabi ako hindi nakapagtala. Noong linggo bukod sa tinamad ako, e wala kasing nangyaring kakaiba sa akin nug linggo dahil buong araw ay nakahiga lang ako at nagbabasa. Kahapon naman ay gabi na ko nakauwi at marami pa akong inasikasong gawain lalo na yung report ko sa Poitical Science na wala ring nangyari kanina kasi palpak daw ginawa namin. Malay ba namin kailangan detalyado e sa syllabus hindi naman nakalagay yun.Kapag nag-report ka sa kanya, kailangan lahat ilalahad mo. Kung ilalahad mo ang Storya ni Rizal, dapat kasama din ang talambuhay ng kanyang nanay, tatay, mga kapatid, at pati mga alalay. Ang biis ng araw at hindi ko akalain na miyerkules na pala bukas at ika-bente na ng Hulyo. Hinahatak na kame papalayo sa aming panahon ng kabataan at papalapit na kame sa mga kakailanganin namin sa bawat asignatura.
Nasaan na ba ako?
Kung naiiklian ka dito, magbasa ka na lang ng ibang artikulo muna dahil pagod ako...
Tuesday, July 19, 2011
Saturday, July 16, 2011
Saturday, July 16 2011
9:16 PM: Ang saya ng buhay ko kapag sabado ng gabi dahil ito lang ang araw sa isang linggo upang ako ay magpahinga at para gawin ko na rin ang kahit anong gusto ko pero hindi literal sapagkat hindi naman ako genie. Nilamon nanaman ng Law subject ko ang aking kalooban dahil para nanaman akong nasa purgatoryo kanina.
Mga ilang minuto lang ang nakalipas ay umulan dito sa amin. Hindi ko alam kung umulan din sa ibang lugar basta ako ay nabigla dahil walang senyales na uulan kanina pag-uwi ko. Mas maganda kung umulan para lumamig naman ang singaw at para masarap ang tulog ko mamaya. Hindi ako nasanay na matulog sa tanghali noong bata ako dahil gusto ko ay parating may ginagawa makabuluhan man o hindi kaya't kapag ako ay natulog sa gabi, kulang ang bosina ng trak para magising ako. Hanggang ngayon ay hindi ako natutulog sa tanghali maliban na lang kapag ako ay may sakit, kulang sa tulog, inlove para mapanaginipan ko yung...., at kapag wala na talagang gagawin. Hindi ko talaga hilig ang matulog at natutulog lang talaga ako kapag kailangan lang pero mas gusto kong magbasa ng mga artikulo, maglaro ng video games, makipagkwentuham, manood ng pelikula, at tumulala. Naasar pa ko sa mga sabi sabi noon na "Matulog ka para lumaki ka", kung totoo man ang nasabing paniniwala ay sana 3'3 lang ang height ko ngayon. Katamtaman lang naman ang tangkad ko; Hindi matangkad at hindi rin pandak. Siguro kung palagi akong mananaginip kada matutulog ako, siguro pwede ko itong gawing hobby.
Nasaan na ba ako?
Panonoorin ko ang pelikula ni Jackie Chan na Dragon's Forever maya maya lang. Hinihintay ko lang matapos ang tatay ko sa pinapanood niya.

Friday, July 15, 2011
Friday, July 15 2011
11:06PM: Kung may nagbabasa man nito, patawad na lang kung hindi ako nakapagtala kahapon dahil sumakit ang malaki kong ulo kahapon na kasing sakit ng karanasan ko sa huli kong pag-ibig. Masyaya naman ako kasi hindi natuloy ang mga pagsusulit namin kanina. Hindi naging mabigat ang araw ko ngayon kaya't eto ako ngayon at nagpapahinga lang kasabay ng pakikinig ng Loving you na binigyang buhay ni Nina. Nagkaroon ako kahapon ng kakaibang pakiramdam. Wala na akong pakialam kung pagtawanan niyo pa ako. Ganito kasi ang nangyari, kahapon bago matulog ay naginternet muna ako. Sa hindi ko malamang dahilan, mukhang nag-hanay ang walong planeta sa Solar System at nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam na para bang may iniibig ako. Nakakaramdam ako ng kilig at para bang "in love" ako kahit hindi naman dapat dahil wala naman akong natitipuang babae sa ngayon. Gusto ko na nga sana magpatingin sa Albularyo o kaya naman sa mga taong tumatawag ng multo. Kakaiba! pakiramdam ko ako ay naging bida sa isang horror film na nagkagusto daw sa akin ang isang Tikbalang at kailangan ko makuha ang mahiwagang crystal na kulay "Pink" sa kaharian ng Macademya upang matanggal ang sumpa sa akin pero bago ako makarating doon ay kailangan ko muna harapin ang pitong pantas na nagdudulot ng salot sa buong baryo ng Mungalaw.
Bago pa dumating ang imahinasyon ko sa ibang bagay na hindi kaaya-aya, hindi ko pa pala nakakaisado yung mga dapat kabisaduhin na Seksyon sa aming LAW02 subject. Magpapahinga lang ako at baka matulog na ko at gigising na lang ako ng maaga bukas..
Nasaan na ba ako?
Nagugutom ako at kailangan ko ng hamburger with egg. Gusto ko bumili sa labas pero pagod na ko at baka mahaba ang pila. Sarado na ang tindahan para bumili ako ng noodles. Haaay.. magpapakabusog na lang ako sa mga babasahin.

Wednesday, July 13, 2011
Wednesday, July 13 2011
11:26PM: Kakakain ko lang ng Cornetto Hazelnut Flavor at ibang lasap ang aking nadarama. Bakit pa kaya gumagamit ng illegal na droga ang ibang tao kung mayroon namang bagay na pwedeng pag-adikan na hindi ipinagbabawal? Pero sabi ng ibang kakilala ko ay kakaiba raw talaga ang tama ng mga yon pero Wag na lang! salamat na lang! ayaw ko sumubok.
Hindi lang naging maganda ang huling klase namin kanina dahil sa mga punyetang kaklase ko na hindi nakikinig at nangugulo ng ibang nakikinig. Nagalit tuloy ang prof ko sa Literature ng\a laging nagdidiscuss lagi ng "sex". Kakaiba siya kanina kasi parang gusto na niya idiscuss ay Sexual Violence! Hindi naman siya sumisigaw at bumubuga ng apoy pero nasindak din kami dahil nag-iba ang simoy sa loob ng silid.
Habang papauwi ako kanina ay nakasakay ako kanina sa "Formula One" na jeep. Sa sobrang bilis, pati mga ala-ala at kaluluwa ko ay naiwan sa Santolan. Nagmistulang Hangin ng aircon ang humahampas as mukha ko at parang hindi Diesel ang ginagamit na gasolina kung hindi ay High Octane. 10:14 pm ang oras noong umalis kame sa doon at nakarating na kame dito sa Antipolo ng 10:30 pm. Kung mababasa ko ang mga isip ng pasahero, siguro puro "Ama Namin" lang ang maririnig ko o kung hindi man ay baka puro mura. Ito yung mga tipo ng jeep na kapag hindi ka kumapit, sa amubulansya agad ang lipat mo. Ayos sakin ang mabilis na biyahe pero di ko naman pinagarap na makasakay sa mga sasakyan sa "Need for Speed" o "Burnout". Gusto pa niya yatang matalo ang record ni Schumacher. Hindi ba niya alam na kilala na ang Antipolo sa mga jeep na mabilis lang si The Flash ng 3 miles per hour?
Nasaan na ba ako?
Ang dami kong aasikasuhin. Buti na lang talaga at may Cornetto. Bukas babawi ako ng pahinga. Panonoorin ko ang 2nd part ng "Dollars Trilogy" ni Clint Eastwood.

Tuesday, July 12, 2011
Tuesday, July 12 2011
11:39PM: Nasaksihan ko nanaman ang isang ebidensiya na mas maganda talaga ang mga gawang pelikula noon at pinatunayan ito sakin ni Clint Eastwood sa pelikula niyang "A Fistfull of Dollars". Naaliw ako sa pelikula kaya late na ko dito. Kagabi ay hirap na hirap akong matulog. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong ginawang kakaiba para hindi makatulog maliban na lang sa pag-bababasa ng mga lumang artikulo tungkol sa mga lumang pelikula at pag-sabi kung bagay ba o hindi ang mga damit ng mga kababaihan sa Tumb1r. Basta nahirapan akong makatulog kagabi. Ngayon, mukhang mauulit nanaman kasi nilantakan ko yung isang lata ng Century Tuna : Spicy Flaovor na binili ko kanina. Parang may naglalaban sina Human Torch, Itachi Uchiha, at isang Hungarian Horntail na dragon sa tiyan ko. Sana naman makatulog ako, siguro naman sapat na yung pagod ko kanina para bumagsak ako sa kama at isa pa nagkakahalo halo na ang "stress" ko sa mga prof ko.
Isa na lang sa nagpapatanggal ng stress ko ay ang panonood ng mga pelikula kaya halos mamuti ang buong buhok ng nanay ko sa bagal ng internet at hindi niya maani ang mga tanim niya sa Farmville dahil lagi akong nagdodownload (naka router kase) ng mga lumang pelikula na hindi mabibili sa suking tindahan ng DIBIDI at isa pa ay hinuhuli na sila ngayon kaya nasimot ang tindahan ng DIBIDI sa Quiapo. Kaso, yun ang akala nila! Hindi nila mapipigil ang pagtitindi nila ng DIBIDI dahil talamak din ang mga taong bumibili nito. Pangarap ko rin maging isang manunulat lalo na sa larangan ng "love story". Kung baket yun ang pumasok sa kokote ko eh hindi ko mawarian basta sabi sakin ng sarili ko, yung daw ang gusto ko. Aaminin kong tumatangkilik ako ng piratang DIBIDI kaya madalas kong isipin wag na lang pala akong magsulat.
Nasaan na ba ako?
Gumamit ng Great Fire Ball Jutsu si Itachi sa tiyan ko..

Monday, July 11, 2011
Monday, July 11, 2011
9:10 PM: Napahinga ako ngayon dahil wala kaming pasok. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag walang pasok tapos kasunod pa ng Linggo. "Long Weekend" nga kung tawagin. Nilaan ko lang ang araw na ito sa aking sarili at sa mga takdang aralin na nakakatamad gawin. Para sa akin, ginawa ang Takdang Aralin para sa mga guro na walang tiwala sa kanilang mga studyante kasi kung may tiwala sila sa atin, sasabihin na lang nila na magbasa tayo. Hindi ko lang kasi makuha ang silbi na kailangan pa isulat o iprint yung mga sagot sa tanong nila. Kasabay ng pagtype ko nito ay nakapatay pa ko ng lamok na may kasama pang dugo. Baka Dugo ko pa to. Panonoorin ko sana kanina ang "A Fistful of dollars" trilogy kanina ni Clint Eastwood pero pineste ako ng mga takdang aralin na walang silbi.
Nauso ang isang trend sa Twitter kanina na "in my pants". Mag-iisip ka ng pelikula tapos dudugtungan mo sa huli ng "in my pants" at kapag gumulong ka sa sahig kakatawa dahil sa naisip mo at nagmukha kang tanga, itweet mo lang. Dahil ako ay mahilig manood ng pelikula, ang dami kong naisip. Ang saya ko lang dahil natuwa ako sa mliit na bagay. Ito ang aking Twitter page kung gusto ko aksayahin ang oras niyo sakin gaya ng pagaksaya niyo sa pag-basa ng blog ko. http://twitter.com/#!/kevindieselmax.
Pumunta ako kanina sa gym para parusahan ang sarili ko sa pag-papalaki ng likod at pagpapatigas ng Triceps. Malamig ang panahon kaya naisipan kong magpapawis tutal wala namang saysay ang ginagawa ko kanina dito sa bahay.
Nasaan na ba ako?
Kapag walang pasok, walang silbi ang buhay ko.

Sunday, July 10, 2011
Sunday, July 10 2011
10:56 pm : Walang Tala kahapon kasi bigla akong tinamad at isa pa wala namang kakaibang nangyari sakin kahapon. Sa totoo lang, ngayon nga rin walang saysay ang araw ko sapagkat wala kaming pasok bukas. Pinanood ko lang naman ang pelikula kanina ni Jack Nicholson na may pamagat na "One flew over the Cuckoo's Nest". Kung hindi niyo alam ang nasabing pelikula, itanong niyo sa mga tatay at lolo niyo dahil ipinalabas ito noong 1975 pa. Ngayon, lalaiitin lang ako ng mga walang silbing tao dahil ang mga pinapanuod kong mga pelikula ay yung mga panahong hindi pa ako ipinapanganak. Palibhasa kasi mga bobo kayo kasi hindi niyo maiintindihan ang mga pelikulang luma kasi ito yung mga palabas na may magagandang mensahe at masasabing may kalidad. Manonood ka ng mga gawang pelikula ngayon na binubudburan lang ng CG effects kahit pangit ang storya at arte ng mga artista, maganda na sa mga paniningin ng mga mangmang na tao. Sa sine pa manonood eh magkano ang pinakamurang Sine ngayon? Mura na ang 100 piso. Problema kasi sa mga tao ngayon eh nakikiuso lang. Kung ano yung uso tapos kahit hindi mo naman gusto, ipipilit mo yung sarili mo dun at pagkatapos, uso ka na! "Cool" ka na! Pogi ka na! May "Class" ka na. LECHE!!! bakit ko ipipilit ang sarili ko sa hindi ko gusto? Mabuti na maging baduy kaysa mapilitan lang sa mga bagay na hindi ko naman hilig lalo pa na karamihan ng mga nauuso ngayon eh yung mga nakaka-bobo.
Hindi ko naman sinasabing lahat ng may CG effects at mga pelikula ngayon ay mga katulad ng mga taong walang utak na nakiki-uso. Nandito parin naman si Michael Bay tabi ko na tuloy parin sa kanyang talento tulad ng Transformers at Avatar. Dahil sa Avatar, natalo niya ang sarili niyang record sa Titanic. Ganoon siya kalupet. Kahit karamihan ng mga pelikula ngayon ay inilalagay sa basurahan na may nakalagay na "BIODEGRADABLE", may mga mangilan ngilan parin naman na maayos. Sabihin man sakin ng mga tao "Eh ang arte mo naman! pelikula lang yan eh! kailangan pang kilatasin ng mabuti. Ano ka nag-fefeeling critic?", E maarte ako eh! gusto ko yung sulit sa bayad! Hindi ako maluhong tao at gusto kong iaalay ang pera ko sa mga bagay na importante. Luho man ang pelikula, binabayaran ko yung saya na iniiwan sakin ng pelikula at yung mga mensahe nila na hindi ko malilimutan.
Nasaan na ba ako?
Dalawang Oisihi Prawn Crackers: Spicy Flavor ang naubos ko. Grade 3 pa lang ako e lumalantak na ko nito.

Subscribe to:
Posts (Atom)