10:56 pm : Walang Tala kahapon kasi bigla akong tinamad at isa pa wala namang kakaibang nangyari sakin kahapon. Sa totoo lang, ngayon nga rin walang saysay ang araw ko sapagkat wala kaming pasok bukas. Pinanood ko lang naman ang pelikula kanina ni Jack Nicholson na may pamagat na "One flew over the Cuckoo's Nest". Kung hindi niyo alam ang nasabing pelikula, itanong niyo sa mga tatay at lolo niyo dahil ipinalabas ito noong 1975 pa. Ngayon, lalaiitin lang ako ng mga walang silbing tao dahil ang mga pinapanuod kong mga pelikula ay yung mga panahong hindi pa ako ipinapanganak. Palibhasa kasi mga bobo kayo kasi hindi niyo maiintindihan ang mga pelikulang luma kasi ito yung mga palabas na may magagandang mensahe at masasabing may kalidad. Manonood ka ng mga gawang pelikula ngayon na binubudburan lang ng CG effects kahit pangit ang storya at arte ng mga artista, maganda na sa mga paniningin ng mga mangmang na tao. Sa sine pa manonood eh magkano ang pinakamurang Sine ngayon? Mura na ang 100 piso. Problema kasi sa mga tao ngayon eh nakikiuso lang. Kung ano yung uso tapos kahit hindi mo naman gusto, ipipilit mo yung sarili mo dun at pagkatapos, uso ka na! "Cool" ka na! Pogi ka na! May "Class" ka na. LECHE!!! bakit ko ipipilit ang sarili ko sa hindi ko gusto? Mabuti na maging baduy kaysa mapilitan lang sa mga bagay na hindi ko naman hilig lalo pa na karamihan ng mga nauuso ngayon eh yung mga nakaka-bobo.
Hindi ko naman sinasabing lahat ng may CG effects at mga pelikula ngayon ay mga katulad ng mga taong walang utak na nakiki-uso. Nandito parin naman si Michael Bay tabi ko na tuloy parin sa kanyang talento tulad ng Transformers at Avatar. Dahil sa Avatar, natalo niya ang sarili niyang record sa Titanic. Ganoon siya kalupet. Kahit karamihan ng mga pelikula ngayon ay inilalagay sa basurahan na may nakalagay na "BIODEGRADABLE", may mga mangilan ngilan parin naman na maayos. Sabihin man sakin ng mga tao "Eh ang arte mo naman! pelikula lang yan eh! kailangan pang kilatasin ng mabuti. Ano ka nag-fefeeling critic?", E maarte ako eh! gusto ko yung sulit sa bayad! Hindi ako maluhong tao at gusto kong iaalay ang pera ko sa mga bagay na importante. Luho man ang pelikula, binabayaran ko yung saya na iniiwan sakin ng pelikula at yung mga mensahe nila na hindi ko malilimutan.
Nasaan na ba ako?
Dalawang Oisihi Prawn Crackers: Spicy Flavor ang naubos ko. Grade 3 pa lang ako e lumalantak na ko nito.
Sunday, July 10, 2011
Friday, July 8, 2011
Friday, July 8 2011
11:21 PM: Ako ay nasa impluwensiya ng alak kaya wag na lang kayo magugulat kung sakali man sa mga ilalagay ko ( pero hindi ako lasing). Kinailangan namin magsuot ng pormal o "corporate attire" kanina kaya ako ay namroblema kanina sapagkat ayaw ko talaga tumahak sa biyahe ng ganon. Ang init kasi. Naiirita lang naman ako. Buti na lang ay hindi maaraw kanina at malamig ang singaw kaya't nagmistulang aircon ang hangin na humahampas sa aking tainga mula sa bintana ng jeep. Hindi lang naging maganda ang pagpasok ko sa kanina, kung ano man ang nangyari ay hindi ko na lang sasabihin at baka mabalitaan niyo na lang na may sunog sa Mendiola. Maulan nanaman at nagdulot ito ng onting pagbaha sa loob ng paaralan namin. Paiikliin ko muna ang aking tala dahil pansin kong hindi na tuwid ang aking pag-iisip. Humihina na ang aking pandinig at inaantok na rin ako.
Nasaan na ba ako?
Nasaan na ba ako?
Law nanaman bukas! tatlong oras nanaman ng pagkabagot. Makikipaglaban nanaman ako bukas kay Nina Williams na bumubuga ng apoy. Kung pwede lang ang GameShark.
Thursday, July 7, 2011
Thursday, July 7 2011
11:14 PM: Ngayon ang kaarawan ko. Hindi ko alam kung dapat ba ko matuwa dahil nga Kaarawan ko o kung dapat ba ako malungkot dahil ako ay nasa ganap na edad na para malampasan ang pagiging binata. Dalawamput taon na akong humihinga ng maruruming hangin, kumakain ng pagkaing siksik sa preservatives, at tumitira sa isang planeta na kung saan mas lamang ang dami ng mga sakim na tao. Isang bagay lang ang ikinatutuwa ko ; dahil ako ay tumatanda, nangangahulugan lamang ito na hindi ako namatay ng bata. Maganda parin tumanda dahil maganda na maranasan mo ang sarap ng buhay. Kapag hindi nag-babago o tumatanda, hindi buhay yun. Parang fishball. Hindi nagbabago at hindi nag-mamahal. Nandito ako ngayon sa kwarto at umiinom ng Tanduay Ice. Hindi muna ako mag-hahanda ng marangya. Gusto ko muna mag-isa at mapagbulay-bulay ko ang mga nangyari sakin nitong nakaraang 20 taon.
Kanina habang ako ay papauwi (parati na lamang ako mayroong kwento kapag bumabyahe.), nakatabi ko ang isang kolehiyalang binibini na naglalaro sa cellphone niya ng isang "puzzle" game. Mejo walang saysay ang naging araw ko sa klase kaya't naghanap ako ng mapapagtuunan ng pansin. Nakita ko siya na hindi niya matapos ang level na nilalaru niya. Hindi ko alam kung maawa ako o matatawa ako dahil asar na asar na siya at hindi siya makalagpas. Kung maganda ba yung babae eh hindi ko na tinignan dahil hindi naman ako interisadong magpakilala at natuwa lang ako sa kabiguan niya na gusto niya na sanang i reverse layup yung phone niya sa bintana nung jeep. Pag-katapos noong hindi niya na talaga kaya, tinago niya na yung phone niya at sinubukan niyang matulog. Puyat ata siya kagabi at mukhang may hang-over pa kaya lahat ata ng posisyon ng pagtulog e ginawa na iya ngunit hindi siya nakatulog. Hindi naman sa pinagtatawanan ko siya ngunit, natutuwa lamang ako dahil bakas sa kanya ang emosyong nararamdaman niya. Ako naman eh hindi nakakatulog sa biyahe. Ginawa ko na rin ang lahat: nakasandal, nakayuko, nakadapa, nakatihaya, at nakahiga pero hindi talaga ako sinasapian ng tulog kapag nasa biyahe kahit puyat. Siguro magandang gawain na rin ito para maiwasan ang matinding aksidente kung sakali mang magkprobelma. Malapit na mag alas dose at matatapos na ang aking kaarawan ngunit hindi na uurong ang edad ko.
Nasaan na ba ako?
Ang bilis ng internet namin.. magdodownload lang ako ah.. Nagpapaka lunod ako sa T-Ice.. hehe.

Wednesday, July 6, 2011
Wednesday, July 6, 2011
11:11PM: Masaya nanaman ang simula ng araw ko sa sapagkat mga 90's songs nanaman ang tugtog sa nasakyan kong jeep. Napapakanta ako ng "I know that I can't take no more It ain't no lie. I wanna see you out that door baby bye bye bye!". Masaya din ako kanina sa Economics class dahil kalahati ng klase ay nagkwentuhan lang kame. Masaya ako dahil maaga kame pinauwi ng guro ko sa Philippine Literature. Masaya ako dahil kakadownload ko lang ng "Tell me your wish - SNSD" na mp3 kahit matagal ng nilabas yun. Bakit kaya masaya ako ngayon?
Sinubukan kong gawin ang pagsasanay ko sa Economics kanina sa bakanteng oras ko. Pinili ko ang silid-aklatan kasama ang isa kong kamag-aral na gusto namang magaral para sa pagsusulit namin bukas. Tahimik siyempre kaso nga lang tumagal lamang ito ng limang minuto. Biglang naging Divisoria ang Library! Hinanap ko ang librarian at ang mga sumasaway. Wala silang ginagawa! Ano ang nangyari?? Samantalang noong Unang taon ko doon ay naririnig ang bulong ko na may .000023231 decibel at kulang na lang ay isaksak sa akin yung meter stick kapag ang boses ko ay umabot ng .0001 decibel. Wala ng mahahanap na katahimikan. Kung may dala akong pang-ahit kanina, baka magkaroon ng Red Sea sa Pilpinas. Baka pati yung mga librarian ay napatay ko rin. Bigla pati nawala yung binabasa kong libro doon kahapon tungkol sa tagumpay ng isang tao (nalimutan ko pangalan basta mayaman na siya) . Hindi ko alam kung may nanghiram o may isang pasyente ng mental na kinuha yon tapos inilagay sa "Chemistry Section".
Umuulan ulan nanaman at kasalukuyang umaasa ang mga mag-aaral na lumakas pa ito hanggang sa marinig ang boses ng "PAGASA". Pag-asa na sasabihin sayo ng nanay mo "Anak wala daw pasok sabi sa TV". Yung tipong ang aga mo gumising tapos matutulog ka na lang ulit. Wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na yon. Masaya nga ang ganoon basta wag lang mawawalan ng internet.
Nasaan na ba ako?
Dalawamput apat na minuto na lamang at papasok na ko sa edad na Dalawampu at iiwan ko na ang aking pagkabinatilyo. Pero sisiguraduhin ko na mananatili ang isip ko sa pagiging isip-bata.

Tuesday, July 5, 2011
Tuesday, July 5, 2011
11:27PM: Gusto ko na sana patikimin ng "Dragon Fist" ang monitor ko kagabi dahil sa sobrang bagal ng internet sanhi kung bakit hindi ako nakapag-lagay ng tala kagabi. Marami pa naman akong gusto ilahad kahapon pero ayaw ko na lang pag-usapan dahil sinabayan din kahapon ng sira ng "keyboard" sa desktop ko. Kaialangan pang pukpukin ng martilyo ang space bar para gumana. Kung hindi ang magagalit tatay ko baka hinampas ko na din yung mismong keyboard sa ulo ko.
Kapapanood ko lang ng isang 1963 na pelikula na dinownload ko noong isa pang araw na may pamagat na "It's a mad mad mad mad world". Hindi ko kilala ang mga artista pero naaliw naman ako dito dahil kahit papaano ay may higit na laman naman ito kung ikukumpara sa mga palabas ngayon ngunit nakakasiguro akong hindi maantig ang mga manonood na bata sa kasalukuyang panahon. Ayaw ko na sabihin yung buod dahil mas maganda kung panonoorin niyo. Natuwa naman ako dahil umiikot ang istorya nito sa kasakiman pero nauuri ang pelikula sa komedya.
Binanatan kame ng dalawang pagsusulit kanina at buti na lang at hindi ako sinapian ng kamaran at nakapag aral pa ko sa bakanteng oras ko. Kailangan ko matulog na dahil maaga pa ko gigising bukas para sa isang malawakang hersisiyo.
Nasaan na ba ako?
Naghahanap pa ako ng mga pelikulang luma. Nahihilig ako sa mga ito.

Sunday, July 3, 2011
Sunday, July 3, 2011
9:28 pm: Hindi ako nakapag tala kahapon dahil nagkasiyahan kame kagabe ng mahal kong mga kaibigan. Kahapon ang katangi tanging asignatura namin na Law on Negotiable Instruments na pinapasukan namin isang beses sa isang linggo at tatlong oras pa. Mapapansin mo na hindi pumapabor samin ang kasiyahan tuwing sabado. Kung nabasa mo ang post ko kung saan nilarawan ko ang aking mga guro, ang guro namin sa Law02 ay maihahalintulad kina Lara Croft, Sarah ng Chuck, Nina Wiliams ng Tekken, at ang tatlong Charlie's Angels. Femme Fatale kung tawagin siya sa Ingles. Ngunit kahapon, hindi naman niya inilabas ang buong kapangyarihan niya. Handa na sana ako na makipagespadahan sa babaeng bumubuga ng apoy pagpasok ko ng silid. Yung tatlong oras na iyon ay bigla kong naranasan kung ano ang pakiramdam ng nasa purgatoryo. Ang tagal kumilos ng oras at parang mamatay na ko dahil sa dami ng batas na itinutoro. Tatlong seksyon palang ng batas eh parang may brain cancer na ko. Hindi ko naman ginusto maging abogado. Bagamat mahilig ako sa debate at malalaim na diskusyon, isa sa pinaka ayaw kong larangan ay ang pagiging abogado. Bukod sa hindi ko kayang magkabisa ng mga batas, nakasalalay sa kliente mo kung masama o mabuti ang gagawin mo. Kung manlilinlang ang magbabayad sayo, wala kang magagawa. Ayaw ko kasing nadidiktahan ako sa gagawin ko lalo pa yung babayaran ako para magsinungaling at mang daya. At isa pa, ayaw ko talaga yung pagkakbisado kasi hindi ako kabisote. Mas gusto ko ang aspekto ng lohika at matematika.
Buti na lang at hindi ako nagkahangover kanina pero buong araw ay parang nanghihina ang buong katawan ko. Para bang naglalaro parin ang mga alak na ininom ko kagabi sa buong katawan ko pero hindi naman ako sobrang lasing kagabi dahil nakauwi naman ako ng maayos. Pinanood ko ang Pelikulang "Office Space" kanina na ipinalabas noong 90's. Kahit si Jennifer Aniston lang ang kilala kong artista, maganda ang nasabing pelikula kung ihahalintuald ko sila sa mga pelikula ngayon. Wala na yung sangkap ng mga pelikula dati sa mga pelikula ngayon kaya masaya ako na ipinaganak ako ng 90's dahil masasbi ko na ito ang pinakamasaya at pinakamagandang dekada. Naawa na nga ako sa mga batang ipinapanganak ngayon dahil hindi nila naransan ang mga naranasan ko. Namulat na lang sila sa IPhone, DSL, Facebook, CG movie effects, Playstation Vita, at Ebooks. Mas masaya noon na maabutan mo ang mga analog na cellphones, yung pwede maging deadly weapon tapos kapag pumasok ka sa grocery store, pakikiusapan ka nila na iwan mo yun sa "baggage counter" sa sobrang laki, yung mga Dial-Up na internet na matatapos ang loading kapag nabasa mo na ang 1-100 pages ng Deathly Hollows, ang Friendster, ang Stop-motion movies, Family Computer at mga makatotohanang libro.
Hindi nga ako nasasabik sa bagong "Transformers" movie dahil nung una pa lang, nadismaya na ako na kulang ang tropa nila. Mas gusto ko pa yung lumang cartoons dahil para silang Super Friends sa sobrang dami. Nasaan si WheelJack? Si Spike? Si Soundwave pati yung aso at agila niya? Nasaan na yung kahambugan ni StarScream na kung saan lagi niyang tinatraydor si Megatron? Si HotRod? At bakit isang piraso lang ang Energon Cube?? Nanonood na lang ako nito dahil sikat ito kumbaga nakiki-"in" ako pero sa mata ng iba "out" pa rin. Ano ba ang kahulugan mo ng "in"? Yung uso at sikat?? Kung pagiging tanga ang in at kung mapipilitan lang ako gustuhin yung ayaw ko talaga, e magpapaka "out" na lang ako! Okay na maging baduy kaysa tanga! Okay na maging Laos kaysa naman maging karaniwan. Kung pagiging bago lamang ang pinagbabasehan ng mga bagay-bagay, pagtiyatiyagaan ko na yung mga luma pero matibay kaysa sa mga bago na ilang buwan lang e laos na!
Nasaan na ba ako?
Nakikinig ng "Damn it feels good to be a gangsta" ng Geto Boys. Masarap pakinggan ang rap nila kaysa sa mga rap ngayon. Pakinggan niyo rin. 1992 pa yan. Malakas talaga ang 90s. Kung may time machine ako, babalik ako sa mga panahong yun.

Friday, July 1, 2011
Friday, July 1, 2011
9:43 PM: July na! ang bilis ng panahon! yun nga lang sobrang sakit ng ulo ko ngayon.. Siguro sa Linggo na ko magpopost sapagkat aalis din ako bukas ng gabi.
Nasaan na ba ako?
Nasa kama..
Nasaan na ba ako?
Nasa kama..
Subscribe to:
Posts (Atom)